Naapektuhan ng Taksil na Noybo

Dear Vanezza,

Lagi po akong top sa klase namin. Isa ako sa mga hinahangaan ng mga professors ko at laging number 1 sa mga exams. Pero nagsimulang bumaba ang mga grades ko nang iwanan ako ng nobyo ko at nagpakasal sa iba. Hindi ako maka-concentrate. Ano po ang gagawin ko? - Jackie

Dear Jackie,

Ang pag-aaral mo ay huwag mong sayangin. Mas importante ito kaysa pag-ibig. Darating ang panahong mag-aasawa ka at magpa-pamilya. Pero ngayon ang prayoridad mo dapat ay pag-aaral. Kaya wala kang choice kundi piliting alisin sa isip mo ang taksil mong bf. Bata ka pa at marami ka pang makikilalang higit sa kanya. Kapalit ng pagkawala niya ang magandang future na naghihintay sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments