Napapraning na Misis

Dear Vanezza,

 

Bakit ganun nag-sorry na ang asawa ko, pero nararamdaman kong meron pa rin silang koneksyon ng babae niya. Napapraning ako kapag may nagti-text at nagme-massage sa kanya sa Facebook o email. Nagagalit siya kapag tsini-check ko ang CP niya. Normal lang ba ang naiisip kong pagdududa sa mister ko? – Mariz

Dear Mariz,

Normal lang iyong nararamdaman mo dahil gumagana ang iyong woman’s instinct na madalas ay tama ang hinala ng misis sa paglolokong ginagawa ng asawa. Kausapin mo ang iyong mister ng maayos patunayan niya ang tunay na pagbabago para ‘di ka na mapraning sa kakahinala.                                                                       

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments