BABALA: Kumunsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
Ang labis na pagpapawis ay karaniwang naiuugnay sa stress, anxiety, obesity, at poor circulation. Narito ang ilang paraan para masolusyunan ang labis na pagpapawis.
1. Hugasan ang parte ng labis na nagpapawis at punasan ito ng apple cider vinegar gamit ang bulak. Iwan ito ng magdamag at maglagay ng talcum powder pagkaligo.
2. Gawing pulbos ang pinaghalong baking powder at cornstarch.
3. Uminom ng 2-3 tasa ng black tea araw-araw.
4. Uminom ng 1 tasa ng tomato juice araw-araw sa loob ng isang linggo.
5. Magbabad ng towel sa isang baso ng tubig na may juice ng isang lemon. Ikuskos ito sa katawan at iwan ng 30 minuto bago maligo ng malamig na tubig.
6. Magtunaw sa microwave ng 3 kutsaritang extra virgin coconut oil at 2 kutsaritang shea butter. Haluan ng 3 kutsaritang baking soda, 2 kutsaritang arrowroot powder at ilang patak ng essential oil. Gawin itong deodorant.
7.Uminom ng maraming malamig na tubig sa maghapon para ma-regulate ang body temperature.