Sikat na Higanteng Aso

Grabe na ‘to!

Isang 43-inches kataas na Great Dane sa Tucson, Arizona ang may hawak ng dalawang world records: ang tallest living dog at tallest dog ever (hanggang February 15, 2010). Pinangalanan itong Giant George ng kanyang amo, umapir na rin sa The Oprah Winfrey Show at Live with Regis and Kelly ang napakalaking aso. Pero hindi lang ‘yan dahil nagka-fan base rin ang aso kaya naman ang may-ari nito ay ina-update ang kanyang fans sa pamamagitan ng mga activities ni George sa buong araw via his website at YouTube channel.

Hindi lang ‘yan dahil may libro rin siyang sarili, ang Giant George: Life with the World’s Biggest Dog. At siyempre Twitter account.

Pero sa kasamaang palad, yumao na si Giant George Noong October 17, 2013, isang buwan na lang bago siya magwalong taon.

Show comments