Mansanas mas mainam na pampagising kesa sa kape

Burp Fact

Kung mantika kayo matulog at mahirap magiging sa umaga pero kailangang pumasok sa trabaho malamang na best friend niyo ang kape. Pero sa mga taong hindi mahilig sa kape tulad ko, may alternatibo para hindi na kayo uminon ng mapait na inuming ito. Kumain lang kayo ng mansanas. Oo, dahil bukod sa sabi ng kasabihang “An apple a day keeps the doctor away” ay mabisa rin itong panggising sa umaga. Ito’y dahil sa mataas na level ng fructose ng prutas.

Kaya kung ayaw n’yo ng kape na pampagising ay kumain na lang kayo ng mansanas sa umaga at sigruadong gising kayo sa pagpasok sa trabaho o eskwela. Gising na kayo, magiging malusog pa kayo. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments