Chinese Horoscope for 2017

Part 5

DRAGON - Ang mga taong ipinanganak sa year of the Dragon ay nakakaranas ng magandang kapalaran sa Years of the Ox, Snake, Roos­ter, at Boar. Hindi sila masyadong sinusuwerte sa Year of the Dog. Sa lahat ng animal signs, sila lang ang may iisang bad year.

Kapalaran ngayong 2017 or Year of the Rooster:

Isa ang Dragon sa top 5 na animal signs na susuwertehin nga­yong taon. Kung ikaw ay empleyado o may-ari ng kompanya, excellent ang iyong wealth luck. Kaya lang iwasan ng empleyadong Dragon na makipagtalo sa kanyang mga bossing. Kikila­lanin ng boss ang kasipagan ng empleyadong Dragon samantalang ang Dragon na negos­yante ay tutubo ng malaki sa kanyang proyekto. Lalong susuwertehin sa pera mula September 20 to October 19. Tandaan ninyo iyan! Lahat ay makakaranas ng su­werte sa pera ngunit ang the best financial luck ay isinilang ng 1988 at 1952.

Sa mga Dragon na may karelasyon, makakaisip siyang mag-asawa. Minor illness lang mararanasan ng Dragon kagaya ng gastrointestinal problem. Mag-ingat sa aksidente ang lalaking Dragon na isinilang ng  1964, at 2000 at babaeng Dragon na isinilang ng 1976 at 2012.

Show comments