In at Out sa Fashion Ngayong 2017

Maraming magbabago ngayong taon at isa na nga rito ang mga “in” na porma.

Maiiwan nga sa 2016 ang mga sumikat na trend dahil laos na raw ito ngayon.

Isa na rito ang sumikat na maong jacket dahil mas in ngayon ang velvet na mga jacket. Mas pabulosa at sosyal kasi itong tingnan ‘di tulad ng sa demin na casual na casual ang hitsura.

Maiiwan din sa 2016 ang usung-usong contouring o ‘yung pagmi-make up para mas mukhang payat ang ating mukha. Good news ito para sa mga hindi maru?ong mag-make up dahil pasok sa taon na ito ang natural make up. Kahit lipstick at pangkilay lang ang ilagay ay siguradong aayon sa iyo ang 2017.

Isa rin sa nauso ay ang choker o ‘yung masikip na necklace. Pero this year, mas bagay kung gagamit ka ng dalawang accessories na sabay. In na in din ang iba’t ibang kombinasyon ng mga alahas.

Pwede na rin magsuot ng damit at sapatos kahit hindi pa tugma ang mga kulay nito. In this year, ang mga kulay na kahit hindi magkakaterno ay maganda naman kung tingnan.

Show comments