Pananakit ng Leeg

Marami na ang hook sa paggamit ng cell phone dahil addict sa pagklik ng mga gadgets na inaabot ng mahabang oras sa maghapon hanggang hating gabi sa pagyuko at kakapindot sa pag-view sa social media. Hindi pa kasali ang mga tao na ang trabaho ay nakaharap sa computer ng walong oras.

Hindi namamalayan na nakararanas ng pananakit ng leeg, pangangalay ng balikat at likod ng katawan. Tandaan na may DIY tips para maibsan ang pananakit ng muscle sa palibot ng leeg at likod. Una na ang ugaliing magkaroon ng good posture sa maghapon. Ang poor posture ay malaking factor ng pananakit ng leeg at muscles. Umupo nang maaayos at iayos ang diretsong tingin sa computer. Kapag laging nakayuko ay sasakit ang leeg at maninigas ang muscle sa likuran. Kapag matutulog ay ideretso lang ang paghiga na nakalapat ang likuran sa kama.

Huwag din gagamit ng dalawang unan na pinagsisimulan ng stiff neck. Kundi isang unan lang. Kung nalulula at kailangan ng dalawang unan, piliin lang ang malambot na pillow.

 

Show comments