Grabe na ‘to! Ang mga abo ng yumaong aktor na si James Doohan na gumanap na Scotty sa orihinal na Star Trek ay dinala sa kalawakan taong 2012. Ang mga abo nga ng aktor ay nadala ng SpaceX Falcon 9 rocket sa kasunduan ng private rocket company na SpaceX (Space Exploration Technologies Corp) at Celtis, isang kumpanya na nagbu-book ng memorial spaceflights.
Ang Falcon9/Dragon ng SpaceX ay may 1,014 pounds (460 kilograms) na cargo para sa The International Space Station. Naglalaman ito ng pagkain at supplies para sa crew, student-designed science experiments, computer equipment at mga souvenir tulad ng mission patches at pins.
Ang secondary payload ng rocket ay naglalaman ng mga abo ng 308 na yumao kasama na ang kay James Doohan at Mercury program astronaut na si Gordon Cooper. Ang mga abo ng may likha ng Star Trek na si Gene Roddenberry at misis nitong si Majel Barrett Roddenberry ay dinala rin sa kalawakan.