Ang kagat ng dikya o jellyfish ay puwedeng ikamatay ng isang tao. Maaaring tumigil ang pagtibok ng puso ng indibidwal sa loob lamang ng dalawang minuto. Kapag lumalangoy ay maaaring madikitan ng hibla o tentacle ng dikya sa dagat. Pero kahit patay na ang jellyfish na natangay ng alon sa dalampasigan ay mapanganib pa rin kapag dumikit sa balat. Ang lason ng dikya ay nakamamatay na mainit sa pakiramdam kapag nasipsip ay kailangan alisin sa balat ang hibla nito.