Ang pagsusuot ng pink na ribbon ay simbolo ng pagsuporta patungkol sa breast cancer awareness na siyang ipinagdiriwang ngayong buwan ng Oktubre. Nagsimula ito noong 1990 na nagkaroon ng marathon sa New York upang mangalap ng pera para sa scientific research at pagpapalaganap ng public awareness sa nasabing sakit. Mula noon ang pink ribbon ang naging color motif upang magsilbing paalala na magkaroon ng regular na check-up.
Upang maagapan ang posibleng sintomas ng nasabing sakit. Tulad kung may nararamdamang bukol sa palibot ng suso kahit walang nakakapa sa paligid ng dibdib. Mayroong skin irritation, pananakit ng breast o nipple, pamumula, nipple discharge, at iba pang nararamdaman sa dede.
Mas magandang maagang ma-detect ang sakit, upang magamot at mapigilan ang pagkalat nang hindi mauwi sa kanser.