Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Ellisse. Mula ng mag-break kami ng aking bf two years ago, hindi ko na pinansin ang mga lalaki. Mahal kong masyado ang aking first and last bf. Four years din kaming mag-on at katunayan ay nagplano na kaming magpakasal. Pero sa dakong huli ay may nangyari kaya hindi natuloy ang kasal. Nabuntis niya ang bestfriend ko na naghabol sa kanya kaya napilitan siyang pakasalan ang inaakala kong matalik na kaibigan yun pala ay ahas. Maraming nanliligaw sa akin pero may trauma pa rin ako sa nangyaring kabiguan sa akin. Dapat ko bang panatilihing sarado ang puso ko?
Dear Ellisse,
Kung wala ka pang nakikitang nagugustuhan na magpapatibok muli ng puso mo, okay lang na huwag pumasok sa bagong relasyon. Pero kung may nararamdaman ka naman at pinipigilan mo lang ang damdamin mo, hindi ito tama na panatilihin mong nakasara ang iyong puso. Mas magandang nakaranas kang ma-in love kesa wala talagang nagkagusto sa iyo. Hindi ito dapat huminto ang ikot ng mundo at buhay dahil lang sa isang failure na relationship.
Sumasaiyo,
Vanezza