Video games para sa kanser

Ang kanser ay hindi lang  isang klase ng sakit; kundi marami itong uri na hindi makontrol ang pagdami ng cell. Sinisira ng  kanser ang katawan mula sa nabubuong bukol o kumpol na tissue na tinatawag na tumor na kumakalat at kumokontra sa sistema ng katawan. Mahigit 100 uri ng iba’t ibang kanser.  Halos mahigit 28 million na cancer survivor sa buong mundo ayon sa American Cancer Society. Iniiwasan ng mga pasyente ang kanilang mga paboritong pagkain kapag dumadaan sa proseso ng chemotherapy treatment dahil iba ang  lasa at tinatanggihan din ng kanilang sikmura.

Mayroong dalawang computer games www.remission2.or na nagbibigay ka­alaman at nakatutulong sa mga bata at nakatatanda na lumaban sa buhay. Ang bawat player ay naglalaro sa loob ng katawan ng tao para labanan ang kanser na may weapon at superpowers kasama na ang chemotherapy, antibiotics, at ibang natural defence. Ang game ay para maranasan ng players at makatulong na maintindihan ng bata ang kanilang gamutan.

Show comments