Aswang Territory (205)

Nasa ospital pa rin si Simeon, hindi makalabas. Nag-tranform siyang aswang at kahit anong utos ng kanyang isip ay hindi siya nagbabalik sa pagiging tao.

Mas pumangit pa siya. Mas nakakatakot.

“Bakit nagkakaganito? Bakit hindi na masyadong makapangyarihan ang utak ko? Nagbalik sa dati. Noong may araw pa, tao ako. Pero noong dumilim na, kahit hiniling ko, hindi napigil ang pagta-transform ko sa pagiging aswang ang itsura.”

“Ayokong isipin na nananalo ang kabutihan, ang mga mabu­buting aswang. Kaya nagbalik kami sa kakulangan ng power. Hindi na namin magagawang mag-transform ano mang oras. Gaano man katagal o kabilis.”

Naaawa siya sa sarili.

Dahil marami nang mga sundalo at pulis na nagbabantay labas at loob ng ospital.

Bawat silid sa ospital ay tigdadalawang bantay ng sundalo at pulis.

Bawat sulok ng corridor ng ospital, nakatayo ang mga sundalo at pulis.

Kaya napilitan si Simeon na pumirmi sa kisame. Na puro daga. Pero hindi naman siya takot sa mga daga.

Nang magutom nga ay pinaghuhuli niya ang mga malalaking daga at ito ang pinagtiyagaang kainin.

Galit na galit siya dahil pakiramdam niya ay aping-api siya. Nagtitiis sa mabaho at mainit na kisame. Nagtitiis sa itsurang pagkapangit-pangit. Dapat lamang makuntento sa pagkain ng mga daga.

Gigil na nagmo-monitor siya at naririnig naman niya usapan sa ibaba.

“Wala ba talaga? Lahat na CR, nasaliksik na?”

“Yes, Sir. Sa ngayon ho talaga, masasabing wala na dito ang aswang.”

“Paano kung nandidiyan lang pala! Ang kisame! Tingnan ang kisame, suyurin!”

“Yes, Sir. Pupuntahan po namin ang office of engineering dito. Dahil  baka may mapa sila para lahat na lapad ng mga kisame ay mapapasukan kaagad ng mga sundalo at pulis.”

Doon kinabahan si Simeon.

Nasa tapat siya ng entrada at exit sa bahaging ito ng kisame. Kapag magsipag-akyatan na ang mga alagad ng batas, direkta siya kaagad na makikita.

Umurong si Simeon, palayo sa bukasan ng kisame.

Pero may sugat pa siya sa torso at nagurlisan ito ng pakong nakausli. Napasigaw ang pinuno ng aswang. AAARRGGGHHHH! Itutuloy

Show comments