1. Ang pag-inom ng malamig na tubig ay nagbibigay ng “shock” sa ating katawan. Mababaling sa shock ang ating sistema para mawala ang pagsinok.
2. Ang pagpigil ng hininga ay makakaipon ng carbon dioxide sa bloodstream. Ito ang magdi-distract sa ating isip para matigil ang cycle ng pagsinok.
3. Mainam naman lalo na sa mga bata ang asukal. Iwan sa bibig ang isang kutsaritang asukal at hayaan itong matunaw nang hindi ito nginunguya. Nag-i-stimulate ng vagus nerve ang pagkonsumo ng asukal na natautulong sa pagtigil sa pagsinok.
4. Uminom ng kalahating kutsaritang suka – white, cane, o apple cider. Maaari rin maghalo ng isang kutsaritang suka sa tubig at inumin nang dahan-dahan.
5. Ang pagkain ng peanut butter ay nakatutulong din sa pagpapawala ng sinok dahil sa malapot na consistency nito. Sa pagkain ng peanut butter nai-interrupt ang normal na paghinga kaya mapipigil ang pagsinok.
6. Isa pa sa matagal nang mabisang solusyon sa sinok ang paghinga sa paper bag. Huminga lang nang malalim at dahan-dahan sa brown paper bag.
7. Tulad ng suka ang pag-inom ng kalahating kutsaritang lemon juice ay nagbibigay ng shock sa ating isip para mabaling ang atensyon at mapigilan ang pagsinok.