Hindi ako bakla

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Johny, 24 years old at binata. Napagkakamalan po akong bading dahil sa mga kilos ko. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang galaw ko. Pero sa sarili ko ay alam kong lalaki ako. May close akong girl at gusto ko siya. Kaso nahihiya akong magtapat at baka ako mabigo. Ano po kaya ang gagawin ko?

Dear Johny,

Lakasan mo ang loob mo. Walang mawawala kung magtatapat ka. Hindi rin niya malalaman ang damdamin mo sa kanya kung hindi ka magsasabi. Huwag mo lang siyang biglain kung magpapaha­ging ka sa kanya. Tingnan mo ang kanyang magi­ging reaksiyon. Huwag kang matakot. Ang kabiguan ay bahagi ng pag-ibig.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments