Exercise para sa sexual stamina, bedroom endurance (2)

Kailangang pigilan o patagalin ng mga lalaki na makarating agad sa pag-o-orgasm habang kailangan naman ng mga babae na ma-relax ang kanilang isip at katawan para ma-achieve ang orgasms.

May mga exercises para ma-achieve ito, ayon kay strength and conditioning coach, sports nutritionist, ex body builder, ironman, tria­thlete na si Ben Green­field para sa sexual stamina at bedroom endurance na mababasa sa kanyang website na www.bengreenfieldfitness.com.

Natalakay na natin ang Progressive Muscle Relaxation kung saan tini-tense o pinapatigas at inire-relax ng paulit-ulit ang mga muscles para maabot o pigilan ang orgasm.

 Ngayon ay talakayin naman natin ang Modified Box Breathing

In general ang box breathing ay 4-seconds inhale, four second hold, four seconds exhale, four second pause,  at ulit-ulitin ito.

Nakadepende sa iyong paghinga ang bilis ng arousal response at orgasm. Kaya para magkaroon ng control sa sexual stamina, kailangang mag-practice ng box breathing. Pero imbes na simpleng inhale, hold, exhale, pause mula sa ilong, subukang hugutin ang breathing mula sa iyong kaila-ilaliman. Isipin na nanggagaling ang inyong hininga mula sa genitals. Medyo nakakatawa, weird pero aminin natin na tayo ay sexual beings.

Kaya hugutin ang inyong hininga mula sa ­inyong genitals. Imaginin lang na nagagawa ito, para maikonek ang sarili sa inyong sexuality.

-(ITUTULOY)

Show comments