Overloaded ng Stress

Lahat ng tao ay apektado ng stress. Makikita ang sintomas ng stress kung paano mo dinidisiplina ang iyong anak, sa iyong pagtatrabaho, paghahawak ng pera, at pakikitungo sa iyong partner. May ibang stress na nakatutulong dahil dadalhin ka nito na maghinay-hinay physically at mentally. Kapag hindi pa naagapan ay lalagpak na sa pagkakasakit ang isang tao.

Narito ang iba pang sensyales kapag puno na ang salop dahil stress na ang nararamdaman: Madalas na pananakit ng ulo, mas madalas nakararamdam ng pagod, hirap matulog o insomnia, nagkakaroon ng mood wings, ihi nang ihi, hindi makapag-concentrate, panay ang pagkakaroon ng sipon, at bumibilis ang pagtibok ng puso.

Ang stress ay parte na ng buhay, kailangan lang i-handle ng maayos. Ang best way na magagawa ay  magbawas ng oveload upang hindi magresulta ng pagkakasakit.

Show comments