Kailan Dapat Palitan ang Household/Personal Items?

(Last Part)

Mattress: Palitan pagkaraan ng 5 to10 years. Ang mattress ay lumulubog sa pagdaan ng panahon kaya hindi na ito maganda para sa inyong gulugod. Bukod dito, nagkakaroon ito ng molds, bacteria na magdudulot ng skin irritation.

Crib mattress: Kapag malaki na si Baby, itapon na ito. Huwag ipamana sa susunod na kapatid. Bago ang dapat ipagamit sa bawat bagong darating na sanggol. Huwag bumili ng second hand.

Fire Extinguisher: Itapon pagkaraan ng 10 to 12 years ayon sa US Fire Administration. Hindi na ito makakapatay ng apoy.

Perfume: Itapon pagkaraan ng two years. Ang amoy ng pabango ay humihina hanggang sa nawawala kapag na-expose na ito sa liwanag, init, at hangin.

Spices: Itapon na ito pagkaraan ng isang taon. O, kaya amuyin ito. Kapag wala nang amoy, wala na rin itong flavour na maibibigay sa inyong lutuin.

Smoke Alarm: Palitan pagkaraan ng 10 taon. Ang sensor nito ay hindi na aandar dahil sa ali­kabok, cigarette smoke, pollen, o balahibo ng mga hayop na dumidikit dito. Hindi na ito magiging “reliable”: Aalarma kahit nadikitan lang ng kung anong bagay o hindi na talaga mag-aalarma kahit na may usok sa paligid.

Show comments