Sa populasyon ng Pilipinas, 10% dito ay kabilang ang mga tribo. Ilan sa mga tribong ito ay matatagpuan sa Luzon na pinangungunahan ng mga Ifugao, Bartoc, at Ibaloy kasama na ang mga Negrito. Ugali pa rin ng mga nabanggit na tribo ang maglagay ng tattoo sa kanilang katawan, braso, dibdib, kamay, hita, at mukha. Ang ilan sa mga ito ay sumasamba sa kanilang mga ninuno at kalikasan.