Bakit Nahuli sa Flight?

Panaginip: Sa unang eksena ay nagkahiwalay kami ng aking mister habang naglalakad sa kalye. Nararamdaman kong nasa tabi-tabi lang siya pero ‘di ko makita. Sumunod na eksena ay magkasama kaming nagpunta sa airport pero naiwan kami ng eroplano.---Blue eyes

Interpretation: Hindi kaya may kanya-kanya kayong pinagkakaabalahan mag-asawa kaya wala na kayong time for each other. Magkasama nga kayo sa iisang bubong pero occupied ang isipan ninyo sa mga sariling gawain. Second dream: Ang eroplano ay simbolo ng ambisyon sa buhay. Ngunit ang pagiging late ninyo ay nagpapahayag ng kakulangan sa preparasyon—skills, tiyaga, pagtitiis, lakas ng loob—para maabot ang pangarap.

 

 

Show comments