* Hindi biro ang 36 kilos na shabu na nakumpiska ng PDEA na nagkakahala ng P256 milyon tapos sasabihin ng ospisyal hindi raw alarming ang droga sa ‘Pinas. Hello! Pati ang dating head ng PDEA kasama pa sa naaresto. Nakakahiya na naman ang ‘Pinas. – Mae, Pasig
*Dapat talaga ibalik na ang death penalty sa bansa. Hindi lang sa droga kundi kasali na rin ang krimen, magnanakaw, rapist, na ang ugat ay mula sa pagkalululong ng mga tao sa droga. - Sally, Bulacan
* Magkano lang ang piyansa 500K makakalabas na huli ang mga kriminal at paulit-ulit na magbebenta na naman ng shabu – Merlie, Dumagete
* Nagtuturuan na ang mga pulis at military kung saan ba talaga nanggagaling ang droga. Kaya wala talagang pangil ang batas ng ‘Pinas pagdating sa droga. Marami nang adik sa bansa. Dahil sa kawalan ng trabaho, ‘di makapag-aral, walang makain, at ung anu-ano pang problema ng ‘Pinas.– Franchie, Sta. Cruz