Sariling Kalayaan

Madalas ang mga teenagers ay hindi sumusunod sa magulang dahil ayaw magpasakop sa authority ng mga parents. Ang tingin ng mga kabataan sa submission ay kahinaan,  dala na rin ng kakaibang hatak ng mundo, at gusto na ng sariling kalayaan.

Sa malas, ang  hindi pagsunod ay nagreresulta ito ng kawalan ng mga privileges at mas lalo pang hinihigpitan. Sa isang banda, kahit naninindigan ang magulang sa kanilang prinsipyo, kailangan pa ring maturuan sila na maging accountable sa kanilang mga ginagawa. Subukan din ang paraan na win-win solution sa pagharap ng problema, para hindi rin makaramdam ng pagkadismaya at mapilitan ang anak na  sumusunod lang dahil  sa nagigipit sa sitwasyon.

Sa edad na 15 to 18 years old ay nagbabago  na ang pananaw ng mga kabataan. Naghahangad at naghahanap na sila ng sariling kalayaan, kaya nagsisimula na silang umalma sa house rules. Maging sa parte ng magulang ay nalulungkot at naiinis na rin sa mga unti-unting pagrerebelde ng anak.

Huwag mabahala, dahil lahat ng mga kabataan ay dumadaan sa ganitong stages. Tandaan lang, ang magulang ay dapat manatiling kalmado at huwag padala sa galit dahil sa mapusok na desisyon ng mga teenagers. Gabayan sila sa kanilang mga desisyon at ibigay ang parehong anggulo ng mga gagawin sa kanilang bagong journey na pagsabak sa kanilang teenage life.

Show comments