Kapag nakakuha ng antigong coin, huwag ito linisin gamit ang siver polish. Hayaan ito sa kanyang orihinal na hitsura. Ang paglilinis ay nakakabawas ng numismatic (coin collecting) value.
Akuin kaagad ang pagkakamaling nagawa at humingi ng paumanhin. Mas lalo kang magiging karespe-respeto sa ganitong attitude.
Ang tamang higpit ng tali sa aso: Dapat ay puwede mong ilusot ang dalawa mong daliri sa pagitan ng tali at katawan ng aso.
Huwag mo munang ipagsabi sa mga tao ang plano mong gawin. Ipagsabi mo na lang kapag nagawa mo na at naging successful.
Huwag magsunog ng kahoy na may pintura, varnish, plywood o kahoy na nilagyan ng chemical. Magdudulot ito ng pollution sa kapaligiran at perwisyo kapag nasinghot ng mga tao. Mga kahoy na hindi nilagyan ng chemical (raw lumber) ang ligtas na sunugin o gawing gatong.