Sa labas ng patnubay ng magulang sa mga anak hindi maiaalis na magkaroon ng pangamba na baka maimpluwensiyahan ang mga bata ng mga maling kaibigan o kasama sa ekwelahan o sa labas ng bahay.
Paano malalaman kung ang anak na teenager ay na-hook na sa pinagbabawal na gamot. Kahit ano pang uri ng drug na basta inaabuso o mali ang gamit nito ay malaking epekto sa kalusugan at buhay ng tao, lalo na sa mga kabataan. Alamin ang mga signs na ang anak ay nasa ilalim sa impluwensiya ng pinagbabawawal na gamot:
Grades – Madalas ang isa sa sign ng anak na addict sa drug ay ang kanyang pag-aaral. Ang habit ng studies ng mga teenagers ay bumababa ang mga grades. Nawawalan ito ng gana na pumasok, hindi gumagawa ng assignments, nakakalimutan ang mag-aral para sa exam. At lumiliban ito sa kanyang klase.
Mood – Mapapansin na kakaiba na ang kanyang mood swings. Madalas laging naiinis, nagagalit. Mapapansin din na lumalayo ang anak sa pamilya at nagiging loner.
Appearance – Kapag ilang araw nang hindi ito nagpapalit ng T-shirt at hindi na rin madalas maligo. Makikita rin na iba na ang kanyang pananamit at style ng kanyang pagbibihis.
Pagkain – May oras na malakas o mahinang kumain. Hindi makakaligtas ang pagbabago ng kanyang weight o timbang dahil sa routine nito sa pagkain.
Pagtulog – Kalimitan nagbabago ang pattern ng pagtulog ng tao depende sa paggamit nito ng drugs. Minsan maghapon itong tulog at may oras naman na hindi talagang natutulog.
Sekreto – Masyado na itong malihim tungkol sa kanyang pag-aaral, at mga activities. Nagagalit kapag ginagalaw ang kanyang mga gamit. Nagagalit din kapag pumapasok ka ng kuwarto o nag-uusisa tungkol sa kanyang mga gamit. Itinatago rin nito pati ang kanyang basurahan na may makikitang boteng walang laman.
Nagkakasakit – Madalas ba ang pag-uubo o sinisipon? Huwag naman mapraning na may malubha agad sakit ang anak tulad ng respiratory infection. Pero kapag ito ay laging naghahanap o nagde-demand ng gamot sa ubo, maaaring ito ay sign na inaabuso nito ang gamot.
Lahat ng mga signs ay maaaring hindi nagpapatunay na inaabuso ng anak ang isang uri ng gamot na puwede sa ubo, sipon, o iba pang klase ng gamot para masabing drug addict na ang bata. Nag-iiba naman talaga ang mood swings ng tao, may time na nagbabago rin ang pattern ng pagtulog, nagiging masekreto na part lang ng mga teenagers. Pero kapag nakapansin na kakaiba sa anak, oras na para kausapin ang anak sa kanyang hindi maipaliwanag na pagbabago.