Kahoy na Sandok Kontra sa Pag-apaw ng Kumukulong Tubig

Malamang naranasan n’yo na ang maapawan ng kumukulong tubig o sabaw sa niluluto. Hindi lang ito makalat sa kusina, masasayang pa ang niluluto natin. Minsan sayang pa sa oras dahil kailangan mong dagdagan ang sabaw at mga pampalasa ulit.

Madalas din itong nangyayari sa pagluluto ng pasta, talagang umaapaw ang tubig sa pagpapakulo nito.

Pero sandok na kahoy lang ang katapat niyan! Hindi n’yo na kailangan pang mangunsume at gumastos. Sandok na kahoy lang ang magic trick.
Maraming eksplanasyon ang siyensya rito pero para sa mas madaling pagpapaliwanag, ‘pinuputok’ ng sandok ang mga bula sa kumukulong tubig bago pa ito umapaw. Naa-absorb din ng sandok ang iba sa moisture mula sa pinakukuluang sabaw/tubig.

Hindi nga lang tatalab ang mga sandok na gawa sa bakal dahil mabilis itong uminit at hindi nakaka-absorb ng moisture.

Kaya sa susunod na magluluto kayo ng pasta, subukan n’yo ang paglalagay ng sandok na kahoy para makita n’yo kung gaano ito kaepektibo. Burp!

Show comments