Nagsimula na ang kaliwa’t kanang sale sa iba’t ibang department store. Marami ang naeengganyo sa nakikitang 50% hanggang 80% sale na akala ng mga customers ay makakamenos sa mabibiling items.
Kahit gaano pa kalaki ang sale na pang-attract na bilang marketing strategy ng mga business at kahit halos bagsak presyo, ang totoo ay walang libre sa gustong bibilhing produkto.
Oo dahil wala naman talagang libre sa mundong ito. Lahat ay may bayad kahit pa sa sinasabing discount o sale sa mga mall na pupuntahan ngayong tapos na ang holiday seasons.
Kahit ang papuntang langit ay may bayad din. Dahil ang Panginoong Hesus Kristo ay binayaran ang ating kasalanan, para hindi mapahamak ang tao na papuntang impiyerno. Kaya naman si Hesus ay napako sa krus ng kalbaryo upang bayaran ang ating kasalanan.
Kaya huwag nang pahirapan pa ang sarili dahil isinugo na ng Dios Ama ang kanyang bugtong na Anak na pambayad sa ating kasalanan. Dahil si Hesus lang ang tanging daan, katotohanan, at buhay na nagtubos ng ating kasalanan.