Gagahasain ng Manikin

Panaginip: Pumasok ako sa bathroom pero may lalaking manikin na nakatayo sa loob. Maya-maya ay gumalaw ang manikin at parang gusto akong yakapin. Nasa isip ko ay gusto akong gahasain dahil hubo’t hubad akong naliligo. Sumigaw ako sa sobrang takot. Biglang dumating ang boyfriend ko. - LJG Rosario, Cavite

Interpretation: Nagpapahayag ang iyong panaginip na malapit ka nang mag-asawa. Ngunit ang pagsigaw na may kasamang takot ay nagbabadya ng isang hindi magandang pangyayari na maaa­ring maganap. Magdasal na sana’y magkatotoo ang magandang pangitain at hindi ang masamang pangyayari. Dagdag na kaalaman: Kung nabasag ang manikin, ibig sabihin nito ay pakikipaghiwalay sa karelasyon.

Show comments