Baby mo...magiging ano kaya, pagtanda niya?

Aries Baby: Masigasig matuto at malikot. Paglaki ay magiging mahusay na negosyante at mahilig tumuklas ng mga bagong kaalaman.

Taurus Baby: Praktikal at hindi pabagu-bago ng isip. Paglaki ay punung-puno ng talents.

Gemini Baby: Matalino, entertainer, at malam­bing. Paglaki ay mahilig mag-travel at adventurous.

Cancer Baby: Madaldal pero maawain. Siya ang mapagkalinga sa lahat ng zodiac signs. Paglaki ay mapagkalinga sa matatanda.

Leo Baby: Laging nangunguna, mahilig mamuno, masayahin, bibo. Magiging magaling na pinuno paglaki niya.

Virgo Baby: Perfectionist, masipag, at mahilig mag-obserba ng kanyang paligid. Paglaki ay malaki ang pag-asang yumaman dulot ng sariling pagsisikap.

Libra Baby: Salawahan, mahinahon. Magiging tagapagtanggol ng naaapi paglaki niya.

Scorpio Baby: Malalim mag-isip at parang detektib kapag may sinusuring bagay. Masipag at talented na empleyado paglaki niya.

Sagittarius Baby: Matalino at mahilig ma­ngatwiran. Paglaki ay magiging lawyer, mahihilig sa mga bagay na may kaugnayan sa sining at pagne­negosyo.

Capricorn Baby: Pinakaseryoso sa lahat ng zodiac. Tahimik at isip matanda. Paglaki ay magiging matipid, mahihilig sa engineering, politics, literature at religion.

Aquarius Baby: Matiyaga at mabilis turuan. Pag­laki ay magiging manager or scientist.

Pisces Baby: Mapagmahal, idealistic at mapagpatawad. Magiging abogado, religious leader at profession na kinalaman sa pagtatanggol sa karapatang pantao.

Show comments