Natalakay na natin ang mga sintomas at komplikasyon ng Peyronie’s Disease?
Pero paano ba nada-diagnose ang Peyronie’s Disease?
Kung nag-aalala sa pagkurba ng penis na sanhi ng Peyronie’s Disease, ipinapayong magpatingin sa pinagkakatiwalaang doctor at sabihin ang mga mahahalagang detalye, injury bago mapansin ang sintomas nito.
Siguradong ire-refer sa isang espesyalista sa sexual disorders (urologist) at eeksaminin ang inyong penis.
Mahalagang ibahagi sa doctor ang mga bagay-bagay na sa tingin ninyo ay may kinalaman sa Peyronie’s disease. Mga sintomas, background kung nagka-injury sa penis, history ng penis, kung may kapamilya na may Peyronie’s disease, at iba pa.
May mga katanunang medyo awkward ngunit kailangang sagutin tungkol sa pagkurba ng penis.
Kadalasan ay nagsasagawa ng physical exam kung may scar tissue o peklat sa penis.
Minsan ay paoobserbahan muna ng doctor ang penis kung lumalala ang pagkurba nito, kung lalala ang sakit na nararamdaman kapag nakikipag-sex o kapag may erection.
Maaaring bigyan ng gamot para bawasan ang paglaki ng peklat para hindi lalong kumurba ang penis.