# Paano maging ‘great Nanay’ -12 Awesome Tips

1-Magpakatotoo ka sa iyong sarili. Huwag i-give up ang mga bagay na nagdudulot sa iyo ng sense of fulfillment porke’t may asawa’t anak ka na—pagsusulat, pag-e-exercise, pagpi­pinta, pagbabasa ng libro, etc. Gumawa ng paraan na maisingit mo ito sa iyong pang-araw araw na routine.

2-Huwag maging ‘martyr’. Ang mga paring sina Gomburza (Padre Gomez, Burgos, at Zamora) lang ang tinatawag na “martyr”.

Hindi kasama ang mga nanay doon. Ang nanay na laging nagpapakamartir, kapag uminit ang ulo, mga anak ang sinusumbatan: Hindi na ako makapag­libang dahil sa inyo, tapos ang titigas pa ng ulo ninyo!

E, sino ba ang nag-utos sa iyo na magsakripisyo ka nang ganyan?

The kids didn’t ask for it. Hindi nila gustong magpakamartir ka at pagkatapos ay isusumbat mo sa mukha nila ang iyong mga ginawa para sa kanila.

Para-paraan lang para mabigyan mo ng oras ang iyong sarili.

Kung oras ng panonood ng TV ng mga bata, saka magbasa ng libro.

Kapag walang pasok sa trabaho ang iyong mister, sa kanya mo iwanan ang mga bata.

Samantalahin mo iyon para mag-shopping o makipag-date sa mga kaibigan. Huwag mong hintayin na maubos ang iyong energy sa kakaasikaso sa iyong pamilya.

Makakasama iyon, psychologically and emotionally, sa iyo at sa mga bata. –#good moms #happy kids. Itutuloy

Show comments