Babae sa Algeria Bawal Titigan

Kung ikaw ay mahilig maki­pag­kuwentuhan at makipagkilala, bagay na bagay ka sa bansang Algeria. Mahahaba kasi kung magbatian ang mga tao rito. Hindi lang sila nakikipagkamay nang basta-basta, talagang ninanamnam nila ang bawat sandali ng isang conversation.

Bukod sa pakikipagkamay, obligado silang magtanong tungkol sa pamilya, trabaho, bahay, maging panahon, at kung anu-ano pa. Ito ay parte ng kanilang pagpapatibay ng relasyon sa isa’t isa.

‘Wag namang bibigyan ng ibig sabihin kapag matagal silang magbitiw ng kamay pagkatapos makipagkamay dahil ito ay sen­yales ng mainit na pagtanggap. Ang mga magkakaibigan at magkakapamilya ay karaniwang nagbebeso-beso kapag nagkita. Normal sa kanila ang nagbebesohang mga lalaki.

Kung babae naman ang makakasa­lamuha, iwasang makipagtitigan nang matagal. Karaniwan ding tungo lang ang pakikipagbatian sa mga babae dahil ang bansang ito ay binubuo halos ng mga Muslim. Isang pambabastos ang hawakan ang kamay ng babae at maki­pagtitigan ng matagal. Nauugnay ito sa sekswal na pagnanasa.

Hindi rin masyado dapat inuusisa ang mga kababaihan.

Show comments