Butas na Bonus

Dear Vanezza,

Ang tagal kong hinintay ang bonus ko pero paano ba namin pagkakasyahin mag-ina, inawas na sa pera ang utang ko. Ito pa naman ang inaasahan ko. Wala pa ring padala ang mister kong nagtatrabaho sa Saudi. Sabi ng anak ko okey lang daw kahit wala siyang bagong damit basta magsisimba lang kami. Paano na ba ang Pasko?- Susie

Dear Susie,

Ilang araw na lang Pasko na. Tama ang iyong anak, hindi sa material na bagay iniraraos ang Kapaskuhan. Kundi ipinagdiriwang ito ng pagbibigay pasalamat sa Dios. Ipanalangin mo rin na dumating na ang sahod ng iyong mister. Higit sa lahat ay maging payapa at maayos ang kanyang kalagayan ng iyong asawa.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments