6—Sobrang pinahahaba ang buhok. Nagiging dahilan ito ng dryness at split ends. Pagupitan ang buhok ng one-half inch buwan-buwan or kung nagpapahaba ng buhok, pagupitan every other month.
7—Hindi tama na mag-stick sa iisang shampoo. Magpalit depende sa bagong sitwasyon ng iyong buhok. Halimbawa, nagpakulay ka, siyempre ang shampoo na gagamitin mo ay para hindi mag-fade ang kulay.
8—Sobrang bina-brush ang buhok. Mag-brush ng buhok pagkagising sa umaga upang ang oil na naipon sa anit sa buong magdamag ay kumalat sa buong ulo. Ulitin lang ang pagba-brush kung kinakailangan, halimbawa, naligo ka. Hindi na applicable yung sinasabi ng matatanda na “brush your hair 100 times” dahil nakakaperwisyo ito sa buhok. Itutuloy