Gusto mo bang maging healthy ngayong holiday season kahit kaliwa’t kanang parties ang pupuntahan?
Paano ba matatanggihan ang tradisyonal na 4 ounces na turkey breast katumbas na 120 calories; 7-ounce scoop na mashed potatoes na 239 calories; 1 dinner roll na 87 calories; 1 slice sauce ng pinya o grapes - 210 calories. 1 cup ng menudo – 210 calories; at 1 slice ng pizza pie-na 316 calories. Hindi pa kasali sa listahan ang mga masasarap na putahe nina nanay, lola, tito, at tita sa lamesa.
Para hindi ma-guilty kung ang timbang ay 180-pound na gustong magsunog ng calories ay laging may paraan.
Puwedeng simula sa pagbibisekleta ng 1 oras ng 12 miles nakasusunog na ito ng 490 calories; 1 oras na pagtakbo na 6 miles na nakatatanggal ng 868 calories; 1-hour ng gym workout ay nakababawas na ng 477 calories; sundan pa ng 4-hour na paglalakad sa mall na hindi namamalayan ang oras na kahit pa-window shopping lang o namimili na tiyak ay tanggal na agad ang 716 calories.
Huwag mag-alala dahil subok na ng mga expert sa mga indibidwal na ang weight ay mahigit 180 pounds na babae o lalaki man ang mga nasabing exercises. Biruin kung tatakbo ng 6-mile makasusunog na ng 1,293 calories sa lalaki na 240-pound at 928 calories naman para sa 170-pound na babae.
Talagang mahirap tanggihan ang dadaluhang reunion at party, ang simpleng paglalakad sa bawat one mile sa isang oras ay makatutulong na matunaw ang 694 calories. Nag-enjoy na sa mga pagkain ngayong holidays season ay napapanatili pa rin ang pagiging healthy.