Tao sa Slovakia hindi agad-agad nagtitiwala

Hindi uubra ang mga taong prangka sa bansang Slovakia. Sa una kasing pagkikita ay napakapormal nila dahil ang mga tao rito ay pinahahalagahan ang kanilang privacy. Hindi basta-bastang nakikipagkilala ang mga tao rito. Ibig sabihin ng pakikipagkilala ay ‘yung tipong  pakiki­pagkaibigan.

Panahon lang ang makapagsasabi kung handa na nilang pagkatiwalaan ang mga bagong tao, lalo na ‘yung mga taga-ibang bayan. Tahimik na tao ang mga taga-Slovakia na maiisip mong sila’y mahiyain. Dahil nga ito sa hirap silang magtiwala agad sa ibang tao at sa kanilang pagiging pribadong tao.

Hindi rin nila ipinakikita basta-basta ang kanilang mga emosyon. Pero oras na makabuo na ng personal relationship ang mga Slovaks, dito sila nagsisimulang mag-open up.

Maging sa pagtawag ng pangalan ay pormal na pormal din sila. Katumbas ng Mr. at Ms./Mrs. ang ginagamit nilang pag-address sa mga tao kasunod ang apelyido nito. Hindi sila agad-agad nag-a-address ng tao sa pa­ngalan nito.

Kahit sa pag-entertain ng mga bisita ay madalas sa labas nila itong ginagawa, kung hindi sa pub o tavern ay sa wine bars nila dina­dala ang kanilang mga bisita. Ang kanilang mga tahanan kasi ay kinukunsidara rin nilang pribado lang at pang pamilya at malalapit na kaibigan.

Kaya minsang mapadalaw sa bansang Slovakia, huwag mao-offend kung hindi masyadong “warm” ang kanilang pagtanggap.

Show comments