Hindi na bago sa mga Pinoy ang hotcakes, pero alam naman nating lahat kung gaano kakalat ang pagluluto nito. May mangkok ka para sa itlog na babatihin. May lalagyan ka rin para sa harina na gagamitin. At gagamit ka pa ng tinidor para paghaluin ang mga ito at makagawa ng magandang consistency ng batter na lulutuin.
Pero alam n’yo ba na may paraan para hindi ka na matambakan ng hugasin sa paggawa ng paboritong agahan o merienda? Resealable plastic bag o ziplock lang ang kailangan mo para riyan! Oo ‘yung paboritong gamitin nang paulit-ulit ng nanay mo na baunan ng tinapay at kung anu-ano sa eskwela dati. Ha ha ha.
Unahin muna ang wet ingredients, harina at asin o kaunting asukal na ilagay sa ziplock. Pagkatapos ay basagin ang itlog diretso sa mixture ng dry ingredients. I-seal ang bag at pisil-pisilin hanggang maghalu-halo ang mga ito.
Kapag nakuha na ang tamang lapot ng batter, gumupit ng maliit na butas sa isang dulo ng ziplock. Presto, pwede ka nang magprito ng hotcakes.
Dahil makokontrol mo ang hugis, maaari rin gumawa ng iba’t ibang design na hotcakes. Mas mai-enjoy na ng mga tsikiting mo ang pagkain nito, mababawasan pa ang hugasin mo. Burp!