Tuwing Kapaskuhan mahalaga sa ibang tao ang pagbisita sa ilang kamag-anak, pagpunta sa party, pagbibigay o pagtanggap ng regalo. Pero higit pa sa mga ito ang tunay na kahulugan ng bakasyon tuwing December holiday. Ito ay personal na pangako mula sa Dios para sa sanlibutan.
Ang kuwento na minsan ay nagkatawang tao si Hesus at isinilang ang Immanuel na ang ibig sabihin ay “ang Dios ay nasa atin.” Ito ay tanda ng pagtupad ng pangako ng Dios sa sanlibutan.
Ang Pasko ay patungkol sa Panginoon na nagkatawang tao upang magbigay ng buhay, pag-asa, at tulungan ang sangkatauhan.
Walang masama sa regalo o kasiyahan basta sa pagdiriwang ngayong Pasko at pagsasama ng pamilya ay huwag kamilutan ang magpasalamat sa Panginoon na nagbigay pag-asa na dapat ibahagi rin sa iba.