Sa panahon ng pananakop ng Amerikano, hinikayat ni Gobernador Theodore Roosevelt noong 1932 na magkaroon ng pagtitipong pampamamayaman. Layunin ng pagtitipon na ituro ang pagiging mabuting mamamayan at ang sining tungkol sa gawaing pangkamay. Binigyan diin ang pagtuturo ng mga pagsasanay na bokasyunal at pangkalusugan. May matatalinong estudyante na naipadala sa America upang mag-aral. Isa na rito si Prinsesa Tarhata ng Sulu. Nakapag-aral siya sa pamantasan ng Illinois.