Ang stress, pagkalungkot, at galit ba ay naghahatak sa iyo para kumain?
Maraming indibidwal ay ginagawang comfort ang paglantak ng pagkain kapag feeling bored sa isang insidente.
Kung madalas kumain dahil sa emosyonal na isyu kaysa sa nararamdamang gutom, kasunod nito ay isa pang problema.
Ang urge na kumain ng mas marami ay tiyak na makadadagdag ng bigat ng timbang ng katawan. Mas malaki ring problema ang nakaambang lalo na kung mayroon pang diabetes, obesity, at high blood pressure na iniinda.
Sa halip ay maghanap ng solusyon tungkol sa inyong ini-emote. Ilista ang mga bagay na nagbibigay ng stress. Kapag napapansin ang pressure, mag-isip agad kung paano ito makontrol o manage, kaysa sa kung ikaw ay magreak na mauuwi lang sa stress eating.