Madalas ay may mga nakakalimutan tayo sa tuwing tayo ay may outdoor adventures. Para iwas abala, heto ang backpack checklist (na magagamit overnight) para siguradong walang iwan sa biyahe.
Noong araw, kailangan ng map at compass, may iilan pa rin naman na gumagamit nito pero dahil sa modernisasyon ay malimit na itong dalhin sa bundok, o sa ibang lugar dahil kabisado na nila ang pupuntahan.
Para naman sa sun protection, magdala ng sombrero, sunscreen, lipbalm at sunglasses.
Heto ang mga pinaka-importanteng bagay na ‘di dapat kaligtaan:
Pito
First aid kit
Water supply (atleast 4L)
Headlamp/flashlight
Extra battery
Raingear
Kasuotan na panlamig gaya ng Jacket o malong
Tent
Cookset and utensils
Stove
Butane
Knife o Multi-tool
Mga pagkain na kakainin sa daan gaya ng mani/jelatin/tsokolate (trail food)
Pagkain na iluluto sa camp at emergency/extra food gaya ng mga delata
Posporo at lighter
Sleeping bag
Rope
Extra na plastic para sa waterproofing
Ang lahat ng mga ito ay dapat nakabalot sa ziplock o sa matibay na plastik para hindi pasukin ng tubig ‘pag umulan.