Ang Amerikanong si Daniel Burnham ang naghanda ng isang plano sa pagpapatayo ng mga gusali sa Manila. Tulad ng pagtatayo ng boulevard sa Maynila, parke, kalye, daungan, kanal, distritong pang-aliwan, at distritong panggawa. Ang kilalang Burnham Park sa Baguio ay hango sa kanyang pangalan. Sumikat din ang arkitekto na sina Juan Nakpil at Andres Luna de San Pedro. Ang Post Office sa Manila ang unang halimbawa ng arkitektura noon.