Ang kantang 12 Days of Christmas ay sikat na kanta na madalas pinatutugtog sa araw ng Pasko hanggang ika-5 araw ng January na mas kilala as Twelfth Night. Ang 12 araw ng Pasko ay ipinagdiriwang sa Europe noon pa man hanggang sa kasalukuyan. Ang tradisyonal na 12 Days ay itinuturing na piesta ng iba’t ibang selebrasyon sa buong mundo. Ang Twelfth Night ay kilala ring sikat na play na isinulat ni William Shakespeare. Taong 1601-1602 ang unang tinanghal ito sa Candlemas, pero na nailathala lang ito noong 1623.