May kanya-kanyang ganda ang mga babae sa iba’t ibang bansa. Kadikit nito ang mga Kikay secrets na pinaniniwalaan nilang mabisa. Heto ang ilan sa mga sikreto ng mga kababaihan sa iba’t ibang panig ng bansa na pwede mo ring subukan.
Brazil: Oatmeal para pagalingin ang sunburn.
Para sa Brazilians, ginagamit nila ang oatmeal bilang mabisang pantanggal ng init at sakit sa sugat na dulot ng sunburn. Para gawin ito, iluto lang ang oatmeal at ilapat sa apektadong area ng balat at saka takpan ng gauze o ng malinis na tela.
Columbia: Avocado para sa madulas at malambot na buhok.
Ang Avocado ay isa sa pinakapinagkakatiwalaang beauty secrets sa Columbia maging sa iba pang Latin American na bansa. Maganda rin ito sa mukha bilang pampakinis, gawin lamang itong paste at i-rub sa mukha at sa roots ng buhok.
Costa Rica: Orange juice para paliitin ang appearance ng pores.
Sa Costa Rica, ginagamit ito madalas ‘pag merong mga photoshoots para lalong magmukhang makinis ang mukha, ihalo lamang ang orange juice sa kaparehas na rami sa tubig, ilagay sa mukha gamit ang bulak, banlawan.
Dominican Republic: Bawang para sa mas matibay na kuko.
Meron ka bang manipis at laging napuputol na kuko? Heto na ang solusyon. Sa South America, ginagamit ang bawang bilang mabisang pampaganda at pampatibay ng kuko. Ikuskos lamang ang bawang sa kuko, dedma na sa mabahong amoy.
France: Katas ng Lemon o Calamansi para sa maputing kuko.
Kung hindi ka sanay magpalagay ng nail polish, ang beauty tips na ito ay para sayo, ibabad lang ang kuko sa juice ng 10 minutes.
Spain: Patatas para sa dark circles sa ilalim ng iyong mata
Nakatutulong ang patatas para mapaputi ang dark undereye circle, maghiwa lamang ng patatas at ilagay ito sa mata sa loob ng 30 mins.-1 hour.
United Kingdom: ‘Wag gaanong huhugasan ang iyong buhok.
Sa UK, hindi gaanong binabasa ng mga babae ang kanilang mga buhok ng higit sa tatlong beses para lumabas ang natural oil ng buhok na healthy para rito.