Para sa mga lalaki, importante ang kanilang penis, buhay nila ito, hindi sila ‘liligaya’ kung wala ito. Kaya mahalagang pangalagaan ang penis.
Natalakay na natin ang tungkol sa grooming ng penis.
Mahalagang maging malinis ang penis. Shaving, trimming, waxing ang puwedeng gawin sa grooming ng penis.
Ngayon ay pag-usapan naman natin ang paghuhugas ng penis.
May mga lalaki na sobra kung makahugas ng kanilang mga kargada.
Kung makakuskos, wagas.
Alalahanin natin na sensitive rin si ‘Manoy.’
May pakiramdam din ‘yan.
Hindi kailangan kuskusin yan ng eskoba.
Hindi kailangan niyan ng matinding sabon o disinfectant para maging malinis.
Maligamgam na tubig lang ang katapat niyan na gamit ang mild soap o non soap cleanser, ayos na.
Karaniwan naman sa mga lalaking Pinoy ay tuli na nung bata pa kaya hindi kailangan masyado ng effort kapag nahuhugas ng ‘pututoy.’
May ibang kalaki na OA kung makahugas. May mga kaso kasi na ang sobrang dalas ng paghuhugas ng penis ay may kinalaman sa balantitis o pamamaga ng penis.
Kung may irritation sa penis, iwasan ang paggamit ng scented soaps o shower gels. Subukan ang warm water na may asin.
Kahit ang mga bagong underwear o bagong detergent ay nagiging sanhi ng irritation. Kung lumalala ang irritation, magpatingin na sa doctor.
-ITUTULOY..