May mga bata na mas mature sa kanilang tunay na edad. Makikitaan sila na sa murang edad ay responsable na sa kanilang pamilya. Malaking factor ang paggabay ng mga magulang at maging ang kanilang environment.
Meron din naman mabilis mag-mature dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa kanilang buhay o pamilya.
Alam n’yo bang may impluwensiya sa mga bata ang hero o anime characters na kinahuhumalingan ng mga bagets sa harap ng TV. Maging sa mga characters ng video game na nilalaro ng mga ito.
Kaya dapat tingnan at tinatanong din ng mga magulang ang paboritong superhero ng mga anak. Ipaliwanag sa kanila ang mga super powers ng mga anime ay puwedeng gawing positibong lesson na dapat nilang matutunan sa buhay.