…tungkol sa pangangalaga ng kutis
7-Huwag gagamitin ang hand sanitizer bilang panlinis sa mukha. Iba ang timpla ng panlinis para sa kamay. Mayroon itong sangkap na makakasira ng kutis sa mukha.
8-Ang acne or pimples ay hindi infection kaya walang dahilan para haluan ng antibiotic capsule ang inyong facial cleanser.
9-Maling gamitin ang toothpaste para gamutin ang acne. Mawawala ang pamamaga pero magreresulta ito ng skin irritation.
10-Hindi matatanggal ng virgin coconut oil ang wrinkles. Oo nga at itinuturing na miracle product ang coconut oil pero ayon kay Melissa K. Levin, MD, isang board-certified dermatologist at physician sa Marmur Medical in New York, ito ay magaling lang na moisturizer pero hindi nagtatanggal ng dati nang wrinkles.
Mas mainam na gumamit ng moisturizer bago magkaroon ng wrinkles kaysa gagamit lang kapag nariyan na ang kulubot.