Sa panahon ng pananakop ng Kastila, binigyan diin sa edukasyon ang pagiging Katoliko. Samantalang ang itinuturo naman ng mga Amerikano ay ang demokratikong paraan ng pamumuhay. Kung simbahan ang sagisag ng Espanya, ang paaralan naman ang sagisag ng sibilisasyong Amerikano. Kung saan itinuro ang wikang Ingles at ang kulturang Amerikano. Binigyan din ng ganap ang edukasyong pang-elementarya ang lahat ng may wastong gulang. Itinuro na ang bawat mahihirap na magsasaka ay dapat magkaroon ng lupang sakahan.