Pamahiin: Ingatang huwag matapon ang asin dahil ito ay pagmumulan ng kamalasan.
Paliwanag: Noong araw, kakaunti lang ang asin kaya’t ito ay mahal na trading commodity. May panahong kasing halaga na ito ng ginto. Kaya minsan, asin ang isinusuweldo sa mga Romanong sundalo. Dahil sa kataasan ng halaga, nakakahinayang na matapon ang kahit isang butil. Tinatakot ang mga katulong/alipin na mamalasin para ingatan nila ang paggamit ng asin.
Isa pang pinanggalingan ng paniwalang ito ay sa Last Supper painting ni Da Vinci. Makikita sa painting na natabig ni Judas ang asin at tumapon ito sa mesa. Ikinukonekta ang nangyaring pagpapakamatay ni Judas sa pagtabig niya sa asin.