Classic at Timeless Style ni Tatay

Hindi lang alak ang tumataas ang kalidad at tumatamis ang lasa habang ito ay tumatagal, kundi maging ang style at pagiging sophisticated ng isang lalaki habang  ito ay nagkakaedad o nagma-mature.

Madaling magpalit ng trend ngayong sa modernong panahon. Pero may lalaki na nanatili sa nakasanayang style na angat sa iba kahit magbago pa ang uso ng mundo.

Kung ang mga henerasyon ngayon ay napipilit na sumunod sa takbo ng uso, may mga tatay na nagtitiwala pa rin sa classic suit-style. Magdagdag man ng iba’t ibang kulay at desenyo ay nakasasabay pa rin sa update na istilo ng bagong panahon.

Kahit ang classic at timeless na sapatos ni Lolo ay binabagayan pa rin ng kahit anong okasyon ng bagong henerasyon ngayon. Kahit hindi na uso ang pamada, may ibang wax product na si Lolo, pero hindi pa nagpapabaya sa clean cut na laging sunod pa rin sa uso, kahit ang trend na ngayon ay long hair sa maraming mga kabataan.

 

Show comments